Thursday, January 31, 2008
13hoursang dami nangyari ngayong araw na ito, ang dami ko kasi ginawa. haaayyy.. 13 hours ako ngayon sa trabaho at andito pa ako sa opis. sinimulan kaninang umaga ng spoof na security breach. meron daw kasi nagreport na nanghahack ng mga pc, nung nahanap nila yung hacker eh ako pala yun. kasi naguupdate akong mga computer. nyahahahah. tapos nung tanghali sinimulan ko ng gumawa ng report at gabi ko na natapos. nung hapon naman eh na-evaluate na ang performance at ayus naman daw. haaaaayyyyy. makakuwi na din at makakakain ng hapunan.
rick @ 10:37 PM
|
-------
Thursday, January 10, 2008
2k8 openingdalawang linggo na akong super busy sa trabaho. ang sama namang pangitain sa pagsalubong sa 2008. dalawang linggo nang bumabaha ng e-mail sa inbox ko, muntik na nga ako manlunod. buti naman kahapon at naubos na ang mga pending na e-mail ko, tapoa ngayon naman ay grand finale. ginawa ko ulit yung software inventory. bukas sana hindi na gaanong madami ang gagawin para naman makapag relax ulit ako ng konit. tamang-tama meron kami inuman ng mga dati kong katrabaho bukas. ayus!
rick @ 7:22 PM
|
-------
Tuesday, December 18, 2007
christmas giftpasko na naman o kay tulin ng araw.......at dahil wala akong nabili na kahit ano para sa sarili ko nung isang taon eh niregaluhan ko ang sarili ko ngayon. ibinili ko ang sarili ko ng bagong cellphone. yehey! ngayon lang ako nagkaroon ng cellphone na mayroong camera! yahoo! pero sympre meron pa din sya mp3 player. masmaliit sya at masmagaan, hindi ko maramdaman pag nasa bulsa ko ko. baka nga pag nalaglag ito eh hindi ko din maramdaman, wag naman sana. kanina ko lang sya binili nung lunch break namin, kaya medyo extended yung lunch break ko kanina. buti na lang at hindi ako sinita ng boss ko.
rick @ 11:32 PM
|
-------
Tuesday, October 09, 2007
overworkedpalagi akong ot sa bagong trabaho ko. sumasakit palagi yung keliang mata ko, parang pagod na pagod ang mata ko. kasi hindi uso ang break dito kaya maghapon akong nakatutok sa computer. kaya pala palaging sumasakit yung kaliwang mata ko eh meron tumutubong kulitiw. sana hindi lumaki.
rick @ 7:24 PM
|
-------
Tuesday, September 25, 2007
2nd daypangalawang araw ko na ngayon sa pangalawang trabaho ko. nakakaantok dito kasi pinapabasa lang ako ng pinapabasa ng mga documents. medyo mastahimik ang kapaligiran dito parang seryoso ang mga tao dito. tapos maliit din yung pantry nila at walang coffee maker. syempre wala din akong hot choco dito. pero buti na lang at legal pa rin mag internet at magchat- at legal din ang magsoundtriop kaya bukas ay magdadala na ako ng headset ko para hindi an ako antukin sa pagbabasa ko. bumili nga pala ako ng bagong wallet noong linggo, bake kasi hindi magkasya yung magiging sweldo ko sa lumakong walet. jkjkjkjkj.hehehhehe
rick @ 6:44 PM
|
-------
Friday, September 21, 2007
last day
ngayon ang huling araw ko sa trabaho dahil resign na ako. yahoooooo!!!!! sa lunes magsisimula na ako sa bagong tabaho ko. pero huling araw ko na nga dito eh sinusulit pa rin ako. marami pang kelangan tapusin. baka 12 oras ulit ako magtrabaho ngayon. malimit akong ot nitong nakaraang huling dalawang linggo ko. sana hindi gaanong busy sa bagong trabaho ko sa lunes.
rick @ 6:18 PM
|
-------
Friday, September 07, 2007
AMP!sa wakas nakabili na rin ako ng guitar amp noong isang araw. ang tagal ko ng naggigitara pero ngayon lang ako nakabili ng guitar amp. siguro mas sisipagin na akong mag gitara ngayon, sana masgumaling pa ako. heheheh. medyo malaki nga lang yung binili kong amp, ang bigat. mahihirapan ako pag meron akong practice tapos dadalhin ko yun pati yung gitara ko. sana walang sira yung amp ko. para kasing meron buzz sound minsa pag masayong low at muted notes yung ginagawa ko sa gitara. amp.....din dito sa office. sunod-sunod ang trabaho. buti na lang at 2 linggo na lang ako dito tapos makakalipat na ako sa ibang company. sinusulit yata nila ako kaya tinatambakan nila ako ng trabaho bago ako mag-resign.
rick @ 9:09 PM
|
-------